We fought, holy shit we fought but damn, we loved. We loved more than anything; I think that makes all the fighting okay; we fought because we cared. Our arguments were filled with passion and this strange fucked-up way of saying ‘I love you.’

(via jennifertrvn)

(via chiimargarita)

Sabi nila, hindi mo makikilala ang isang tao hangga’t hindi kayo nagsasama sa iisang bubong..

3years and 9mos na kami ni Cha, pero 3mos pa lang kami magkasama sa iisang bahay kasi nga syempre kailangan ko sya sa tabi ko ngayon dahil buntis na nga ako. Hindi kasi kami katuad nung mga girlfriends ko na bf/gf palang eh nag-lilive in na. Hindi namin naexperience yun, kaya siguro tumagal din kami ng ganito kasi hindi kami nagkakasawaan sa isa’t isa.

So ngayon, masasabi ko na masaya pala talaga na sa bawat pagising mo eh katabi mo yung taong mahal mo. Nakakatuwa kasi hindi na kami tulad ng dati na paghintayin nya lang ako ng 1hour eh nanggagalaiti na ko sa galit, ngayon ayos lang kasi alam kong sakin at sakin pa rin sya uuwi.

Nakakatuwa din yung mga bagay na ngayon ko lang nadidiscover sakanya at sa sarili ko. Prinsesa kasi ako sa bahay namin. I never do household chores. Pero ngayon, naiimbyerna ako pag feeling kong ang dumi ng bahay namin., kahit si Cha naiinis sakin kasi everyday naglilinis ako maya’t maya walis ako ng walis, punas ng punas ng kung ano-ano. Haha! May ganung side pala ako. Tapos kay Cha naman, nakakainis siya matulog. Feeling nya ata wala siya katabi. Lagi nya ko dinadaganan pati yung tyan ko kaya minsan talagang tinutulak ko siya sa lapag para dun sya matulog. At ang pinaka-kinaiinis ko eh sa twing kakain kami, pag ulam namin fried chicken o yung may mga buto, yung pinagkaiinan nyang buto ilalagay niya yun sa plato ko. Kaimbyerna. Napaka-salaula! Kaya kahit kumakain kami lagi ko siyang nasisigawan. Kahit yung pinagbuksan n mga plastik bigla niya ilalagay sa plato ko knowing na pinagkakainan ko yun. At yung uutot pa kahit na kumakain kami. Gross!

 Tapos lagi niya sasabihin, hindi mo ko mahal, hindi mo ko tanggap eh.

Hahaha! Labyuuu always panot. :)

Ang kulit lang talaga ng baby boy ko. Alam na alam niya kung anong oras uuwi ang Papa niya from work. Kapag parating na si Cha grabe ang likot likot nya sa tyan ko. Kapag sipa siya ng sipa, ibig sabihin nun parating na si Cha parang kaninang umaga habang nag-aantay ako around 6:30am sumipa siya ng sobrang lakas tapos ikot ng ikot tas after 5mins dumating na si Cha. :) Kapag naman may overtime si Cha syempre hindi ko na alam kung what time sya uuwi, hindi mag-sisipa at iikot ang baby boy ko, lalo na pag gabi, parang binibigyan nya ko ng sign na wag na ako maghintay sa Papa niya kasi hindi uuwi, parang sinasabi niya na matulog na ko dahil bawal magpuyat.. Aww.. Kulit. <3 Lagi niya ‘to ginagawa sakin. Ang sweet ng baby ko. :)

Gabi-gabi lagi mo ko ginigising sa himbing ng tulog ko. Gusto kong mainis kasi alam mo naman na hindi na talaga ako makatulog ng ayos dahil sobrang likot ng anak mo. Pero pag hina-hug mo na ko tas lagi mong sasabihin na mahal na mahal mo ako, nanlalambot ako. Hahaha! Tapos gabi gabi lagi mo ko sinasabihan na, wag ako susuko. maging positive ako lagi at gawin ko lahat para sa ikabubuti ng panganganak ko, gawin ko lahat ng makakakaya ko para maging safe kaming dalawa ni baby habang nanganganak ako.

Hindi na talaga ako makapaghintay na kumpleto na tayong tatlo natutulog every night at dalawa na kayong lalaki sa buhay ko na mangungulit at mang-iinis sakin araw-araw. :)

But your best friend is still your best friend. Even from half a world away. Distance can’t sever that connection. Best friends are the kind of people who can survive anything. And when best friends see each other again, after being separated by half a world and more miles than you think you can bear, you pick up right where you left off. After all, that’s what best friends do.

(via cwissi)

(via chiimargarita)